Facebook Status Single

Madaling pumasok sa isang relasyon. Mahirap lumabas.
Madaling magpalit ng status from single to it’s a relationship.
Mahirap bumalik.
Lahat ng bagay pinagdedesisyonan. Lahat ng bagay pinagiisipan.
Mabilis o mabagal
Mahirap o madali
Lahat ng ating ginagawa ay napag at pinagiisipan.
Ganun din sa pag-ibig. Ito’y iniisip at nararamdaman. Ito’y hinahanap at natatagpuan. Ito’y pinaplano ngunit madalas nambibigla.
Ikinabigla ko ang iyong pagdating. Sa aking mundo na hindi umaasa, hindi naghahanap, hindi nananalig. Biglang bigla ng kumatok ang pag-ibig sa aking puso isang taon na ang nakakaraan. At gaya ng madami kong pag-ibig hinangad ko ang panghabangbuhay. Hinangad ko na ito na sa wakas.
Subalit kahit ano mang pagpaplano ang ating gawin may mga bagay na hindi natin maasahan o kahit nanaisin. Hindi ko inakala na simbilis ng pagpasok ng pag-ibig ay simbilis din itong magpapaalam. Hindi ko inakala na isang taon lng ang itatagal ng ating hinangad na panghabambuhay.
Mapait at masakit. Wala naman ang may gusto ng hiwalayan. Subalit ang katotohanan ay di maikakaila. Natapos na ang yugto sa ating buhay – ang yugto na tayo’y magkasama.
Sadyang ganito talaga ang takbo ng buhay. Naisin man natin na lumawak pa subalit hanggang dito na lang sya.
Sabi mo nga – don’t cry because it’s over rather smile because it happened. So despite the pain you won’t see me cry rather I’ll smile my radiant smile thankful for the brief and short time we’ve become one.

 

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s