randomness..but is really a love post

Gosh. How I miss this. Being able to simply pound away on the keyboard each thought, each word as it springs forth to mind. Damn! I do miss blogging. Wish I could do this more often.

GPS really rocks! I mean, I used to drink 2 bottles then get really dizzy, haven’t experimented yet if I can drink 3 bottles in one night, but perhaps I’l try. Then again, feeling a bit depressed, I drank one bottle tonight, what a drinker I am, and poof! I got hit – hard! Perhaps I lacked practice.

Now why drink you may ask? What problem do I have? Let’s see then if I can pour it out.

I love him. So much that I gave so much of myself already. I left nothing for myself. Retribution is not too late. I can still go back and give some love to pretty little me. And that I choose to do – in the upcoming days.

Darn. I now sound as if I’m pep talking myself which I really am doing now. Darn. So much for all the angst I’ve rehearsed into writing earlier. But let’s see if I can get to that.

Nah. I can’t. The words just won’t spring to mind. Now all I want is for us to be ok. But heck I’ll keep my side. Not to be prideful, no, but rather, for once, I deserve to be wooed. If I keep doing the wooing, I would lose all self-respect. I would forever be the failure.. forever the wrong person.. and I would believe that. And he would forever be the spoiled brat.

No. I have to keep my feet.

But damn! This is so freaking hard. I love him too much. There is nothing left for me. All the love I have I poured out to him. I gave him ALL of me. And he wants so much more. More than I can offer. But I try to. Heaven knows, I do.

But one mistake and poof it’s one hell of a BIG thing! And I feel as if I have to keep proving myself. As if I have to keep on toiling and toiling. Is this the love I deserve back? The love I get for the love I give?

Feeling ko, kahit tanggap nya kung sino ako, as he says, I still have to keep working hard. And if I fail, if I make one mistake, I have to pay for it. Dapat mag suffer ako, na hindi kami maguusap at ako ang mag-aayos. Dapat magtiis ako, na di ko alam anong nangyayari sa kanya.. na alam ko may iba sya na ka text.. may possibility na mawala sya at iwan nya ako kasi ako masakit sa ulo.

Feeling ko, I have to please him, the WHOLE DARN time coz if I don’t, mag aaway kami, at ako din ang mahihirapan. Feeling ko kung sino ako dapat magbago – instant – para sa kanya. Mahal ko sya di ba? Dapat lang.

Pero bakit ganun? Love ba talaga un? Or is it merely forcing a dream to become a reality. Sya magrereklamo sa kapalpakan ko pero ako hindi pwede magreklamo sa mga pagkukulang nya. In the end, madami kami nagiging unrealized expectations na nauuwi sa di pagkakaunawaan. Pilit magccoommunicate, pero wala naman naccommunicate ng tama.

Ang sakit na. Kaya ko pa ba? Sana. Mahal ko sya eh. Yun yun eh. Mahal na mahal ko sya. To the point na natatanga na ako para sa kanya. To the point na andaming rules, values at kung ano-ano pang prinsipyo ang binali ko na para sa kanya. Ang tanga tanga ko nga.

Pero mahal ko parin sya. Mahal na mahal.

Kaya ang sakit. Ang hirap. An dami expectations. Di ko na alam if kaya ko pang gampanan lahat. I try naman eh. But I guess my best wasn’t good enough.

Hindi ako iyaking tao. Pero dahil sa kanya, balde balde nang luha ang iniyak ko. Ilang gabi na akong naging luhaan. At 3 buwan palang kami. Hanggang kelan ba to?

Ito ba talaga ang pinagtyagaan kong hintayin ng pagkatagal tagal na panahon? Ang sakit na nararamdaman ko na? Ang takot na bumalot sakin kani-kanina lang na napalitan ng poot dahil di kami magkaintindihan at ngaun nauuwi sa lungkot dahil di kami magkasundo.

Ito ba yun? Is this love? Or is it just plain craziness?

Was I even sane to enter this relationship in the first place? How come its bringing me so much pain and sadness instead of happiness? First 3 months pa lang, mas madami na akong iniyak kaysa tinawa.

Bakit ganun? Bakit kung mahal natin ang isa’t isa bakit lagi na lang akong umiiyak? Mugto ang mga mata. Malamlam ang pakiramdam. Pero gusto ko parin na nasa tabi kita. Gusto ko parin na makasama ka sa habang buhay ko. Pero gusto ko maayos natin to. Magagawa pa ba natin? Bakit ang hirap?

Ang dami mong hinihingi. Minsan natanong ko.. inalam mo ba ang gusto ko? Pero ayoko nga na magkaroon tayo ng pagkadami-daming unrealistic expectations sa isa’t isa.

Mahal naman kita eh. Caring naman ako. Iba lang nga ang paraan ko. Pero ginagawa ko naman sa abot ng makakaya ko ang paraan ng pag care na gusto mo ah. Di ko lang makuha bakit konting mali ko lang, parang ang laki na sayo. Parang pakiramdam ko nabura na ang lahat lahat.

At dahil di ko masabi to ng harapan sayo, bakit ka ganun? Nagbago ka na. Dati palagi mo ako tinetext din ngayon hindi na. Tumigil ba ako sa pagtanong kung kumain ka, pagsabi na nakarating na ako sa office at nakauwi na? Pero ikaw, kailangan ko magassume palagi na nagising ka ng late at nagmamadali pumasok sa trabaho tapos rush hour kaya di mo na ako matext. Tapos pagod ka na sa gabi kaya di mo na ako kayang kausapin pa. Tapos malalaman mo may katext kang iba. Ok naman pinaalam mo. Pero nagawa mo na eh. Sino ba ako para kumontra – dating ko pa nyan possessive na kontrabida. Pero alam mo ba na wala na akong ibang ka text bukod sayo? Antay ako ng antay ng reply, yun pala sa iba ka nagrereply. Ok lang naman kausapin mo sila. Pero sana kausapin mo din ako.

Sabi mo mahal mo ako. Di mo ako iiwan. Pero bakit pakiramdam ko iniwan mo na ako. Matagal na.

Minsan inisip ko, baka in love ka, sa thought or idea na kung sino ako, ang ako na gusto mo maging, hindi kung sino talaga ako. You’re in love with the thought na sana, ako na nga. Ako na ang babaeng papakasalan mo. Pero hindi mo naman ako tanggap, kung sino talaga ako.

Alam mo ba na kengkoy ako na tao? Na pag inabot ako ng kakengkoyan sobra ako magbiro, halos baliw na? Na minsan, out of the blue, nahahampas ko ang isang tao, hindi dahil nananakit ako, pero dahil nangigigil lang ako? Alam mo ba na mahilig ako mag Ingles ng Ingles – yung maarteng pagsasalita ng Ingles – hindi sa nagpapasikat, pero dahil nagpapatawa lang ako kahit ako di tumatawa.

Minsan hindi ko alam kung kilala mo talaga ako. O nagbabago nalang ako para sayo.

Alam mo mahal na mahal na mahal kita. Kaya nga tanggap ko kung sino ka pa man. Pansinin mo. Bakit kaya lahat ng away natin dahil sa ako ang may pagkukulang? Dahil ba talaga un sa may hindi ako nagagawa o dahil ba yun na sa pag ikaw naman ang may hindi napupunuan na pangangailangan ko, tinatanggap ko nalang na sadyang hindi ka ganun. Na ang pagmamahal mo iba sa pagmamahal na inexpect ko.

I love you without expectations. Ibig sabihin nun, inalis ko na sa isipan ko ang preconcieved notions ko of what love should be all about. Dahil mahal kita.

Gusto ko maging masaya tayo. Pero bakit ang hirap hirap?

Ewan ko. Feeling ko guinea pig ako o hamster. Ikot ng ikot sa gulong. Paulit ulit. Kahit anong gawin ko may kulang. May mali. Kaya wala akong mapatunguhan.

Mahal mo ba talaga ako? Bakit ganito nararamdaman ko? Na I have to prove myself to you? Na I get so scared, may mali ako magawa, galit ka na sakin.

Bakit ako? Di ko magawa magalit sayo. Ilang beses ko na sinubukan. Try as I might na isipin lahat ng pagkukulang mo rin sakin hindi ko magawa. Sobra. Mahal kita eh.

Ang tanga ko nga siguro. Kasi hindi kita kayang tiisin. Hindi kita kayang iwan. Hindi kita kayang wag mahalin.

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s