ano raw?

tagal ko na hindi nag bblog. siguro dahil nakalimutan ko ulit bakit ba ako nagbblog. siguro dahil nahihiya ako mag blog kasi hindi ko nga matapos tapos un libro na dapat sinusulat ko ngayon. siguro nahihiya ako kasi magbblog ako eh ung cliente ko pa nmn na nagpapasulat sakin ng libro ay avid reader ng blog ko.

in any case, pasensya na lang sa mga foreign readers ng blog ko kasi ngayon wikang sarili gagamitin ko.

ano ba sasabihin ko? ano ba kkwento ko? una baka isang taon lang abutin ng bagong site na to. baka after a year bumalik rin lang ako sa dati. o baka di lang tlaga ako sanay. pero nahihirapan ako sa daming rikusetos na dapat alalahanin sa pag maintain ng sariling domain. mas ok na ata ako sa libre. tutal yung blog para lang naman talaga sa personal expression ko. mas ma-appeal lang ang may sariling domain kasi. o baka hindi lang ako sanay na may sarili na akong domain. baka nga. well may isang taon akong i-try. kung di ko magustuhan eh di balik na lang ako sa dati. sana maging flexible na lang ang wordpress at payagan na nila mag embed ng mga kung ano-anung plug-ins.

isa lang naman talaga gusto ko ikwento ngayon. SIYA.

oo in love na ako. love na ata matatawag dito. ewan ko ba.

minsan di ko rin maintindihan. pilit iniintindi ng utak pero di nya magawa. takot ako minsan baka niloloko ko lang sya at sarili ko. sinasabing mahal ko sya pero hindi naman pala. pero pano ko nga ba malalaman na mahal ko sya. pano nga ba?

sapat na ba yung gusto ko sya makasama ngayon palang? makasama sa habang buhay para sabihin mahal ko sya? sapat na ba yung tanggap ko kung sino man sya – kahit oo nga magkaibang level kami at kahit sino magsasabi hindi kami bagay. sapat na ba yung pag di ko sya nakausap hinahanap hanap ko sya at pag andyan sya sabik ako kausapin sya?

sapat na ba yung nung mag away kami pilit ko pinaintindi ang magulo kung isip na sa ibang tao alam ko mawawalan na ko pasensya at sasabihin ko ayoko na. hassle ka. badtrip ka. quits na lang. sabi nga nila mas madali ang mag quits na lang. pero pinilit ko parin i work out yung away namin para maging ok kami.

in love ba matatawag ang nagkakaroon ka ng mugtong mga mata na di mo alam. mugtong mga mata na tanging pagluha dahil sa pag-iyak ang naging sanhi? pag-iyak na di mo alam talaga kelan mo ginawa dahil lahat lang ng natatandaan mo ay ang sama ng loob na dinulot nya? sama ng loob na naayos naman.

in love ako sa kanya. tanggap nya kung sino ako. ang baliw na takbo ng utak ko na alam ko pilit nya sinasakyan kahit minsan siguro nosebleed na sya. ang nakakalbo kung ulo. ang mga tabang naguumapaw. ang mga kapangitan ko sa umagang bagong gising. ewan. alam ko tanggap nya sino man ako. di ko nga alam bakit. di nga kami talo.

ibang iba mundong aming ginagalawan. kahit personality types namin magkaiba. sabi ng kapatid kong psych ako daw ay isang cognitive na tao. palaisip hindi masyado sa pakiramdam. sya daw aphe na tao. mas in tune sa pakiramdam. ako heartless, cold, insensitive. sabi nga ng isa kong kaibigan sobrang grabe daw kasi kaya ng utak ko mag transcend ng lahat ng subjectivity sa pag handle ng mga emotionally delicate situations na parang hindi na ako tao. sya naman, konti konti lang magtatampo na.

pole ends. pole opposites. kami yun. kaya minsan di ko alam bakit ko sya minahal. o minamahal. kasi sabi ko nga sa kanya ang pagmamahal ko pa unti unti. nag ggrow. samantala sa kanya, instant – automatic, all encompassing. minsan ako natatakot para sa kanya. kasi sobra na yung pagmamahal nya para sakin. kahit sya natatakot din. natatakot para sa sarili nya. kasi alam namin pareho na pag nag break kami – sya ang higit na masasaktan.

ewan ko ba. dahil ata sa cognitive nga akong tao alam ko na oo masasaktan ako pero baka hindi naman ganun kasing sakit. pero sya alam ko masakit na masakit na sobra. pero bakit ganito. ngayon pa lang sinusulat ko o iniisip na mag bbreak kami, baka, in the future, naninikip na dibdib ko. hindi naman grabe. just a small throbbing pain. di pa nga nangyayari – nasasaktan na puso ko? may nangyayari na ba sa puso ko na hindi na alam ng isip o utak ko.

at ang mga mata ko. bakit lagi nlng ata sya luluha? bumabagal na ata utak ko.

minsan di ko alam bakit ko to pinasok. sabi ko nun ayaw ko mag boyfriend. sagabal sa oras ko. dagdag sa aalalahanin. alam ko naman kasing hindi simple ang relationships. complikado. kailangan ng effort from both sides. lalo na sa simula. lahat din ata ng hiniling ko sa boyfriend sa unang tingin hindi nya na meet. sabi ko nun gusto ko ung boyfriend ko mahahatid ako, masusundo, mabibitbit mga gamit ko. oo tunog nga parang boy o katulong gusto ko. kaya ayun. binigyan ako ng boyfriend na sa malayo nagttrabaho. na hindi ko makakasama sa matagal na panahon. para daw malaman ko na hindi boy ang kinuha ko.

yung dalawang inflexible standards ko, hay hay hay, sila pa ang nabali. una, hindi kami same religion. i’m not even sure if he’s saved. second, hs grad sya. no college educ. so sa mata ng pamilya ko, sablay ang second criteria na dapat matalino. pero i don’t think naman na bobo sya. hindi naman dahil hindi nakapag-aral ng college isang tao eh bobo na sya. sabi nga sa UP do not let your education interfere with your learning.

pero magaling sya sumayaw. tuwa ako dun. at may plano sya sa buhay. masipag at mabait. same pa kami ng paniniwala about marriage and family. and in fairness, kasal ang end point na nakikita sa relationship. hindi relationship for the sake of relationship lang.

hay. to think grabe ako magpasensya sa kanya. as in grabe. i never had much patience with anyone before.

pero why is there fear in loving him? is it because i fear really loving then getting hurt? is it because i fear that i may really meet someone else? someone better? but i have always believed love is a decision.

eck. i am still confused.

i decided to blog after so long kasi nung nag away kami sinabihan ba naman ako na ginagawa ko daw syang blog. kasi naman mag eexplain lang ako ng ayaw ko o gusto ko ang haba haba pa ng sinabi ko. diretsohin ko na lang daw sya. hindi daw sya blog.

gosh. now i’m crying.

kasi pilit ko ginagawang issue yung faith differences. parang gusto ko mangyari, hindi ka born-again, di tayo pwede. di kita pwde mahalin. pero nacoconvict ako ni Lord. bakit Sya. wala naman si Lord pinili mahalin ah. ako nga super makasalanan minahal nya. tas ako ayaw magmahal. ako nga hindi rin born again pero minahal nya. tas ako ngayon ina-ask nya magmahal di ko magawa. gagamitin ko pa Sya scapegoat para wag mag love. ako na sobrang binigyan nya ng love, ako na minahal nya ng sobrang unconditional, ako ngayon yung hindi magmamahal. ayaw magmahal. takot magmahal.

hayz. love. complicated.

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s