bagyo. baha. first time?

Buti may internet na. Akala ko matatapos ang dalawang araw na day-off ko ng di man lang ako nakakagamit ng Internet. Nasira na mga halaman ko sa Farmville dahil na-miss ko ang harvest time ko. Nilalangaw na sa dumi ang pet ko sa Pet Society dahil nakalimutan ko syang paliguan. At sangkaterba na ulit ang messages sa inbox ko galing sa kung anu-anong yahoo groups na kinabibilangan ko. Mahirap pala ang mawalan ng internet connection kahit ilang araw lang. Di nga kami binaha, di nga brown-out, pero wala naman net.

Subalit ng mabasa ko ang news at makita ang pictures ng nangyari sa Manila, Marikina at iba pang malalapit na lugar, at ng mabasa ko ang laman ng sangkaterbang group messages sa email inbox ko, napatigil ako at naisip kung gaano kapalad ng buhay ko. At least wala na ako sa Manila sa mga panahon na to. Pinaka grabe na atang bagyo na naranasan ko noong nasa Manila pa ako ay yung Bagyong Milenyo kung saan an daming puno sa UP ang nagbagsakan at ilang araw kaming walang kuryente. Nakakatakot ang kadiliman sa campus noon. 

flood

Dahil sa wala naman kaming TV sa bahay, internet at radyo na talaga ang main source ng news – bihira na nga gamitin ang radyo. Iba parin pala ang makita ang tindi ng hagupit ng bagyo sa pamamagitan ng pictures at videos sa net. Iba parin ang dating na makabasa ng sandamakmak na messages tungkol sa kung anu-anong relief operations. Iba parin ang makabasa ng real-life accounts ng mga tao na naranasan ang hagupit ng bagyo na di nila inaasahan.

Malimit bagyuhin ang Pilipinas. Kalimitan narin ang bumaha at mag-landslide o magdulot pa ng kung anu-anong pinsala ang mga bagyo. Subalit bihira, sobrang bihira, na ang maapektuhan ng sobrang lupit ay ang sentro ng bansa. Gulat na gulat nga ako ng marinig ko na halos lampas tao na ang baha sa mga lugar na hindi naman kalimitan binabaha sa Metro Manila. 

ondoy

Ano nga kaya ang rason bakit binaha ang Manila? Sobrang malakas lang ba talaga ang ulan o may mga drainage systems na hindi umaandar? Kulang ba ang mga preventive measures na dapat sana ginawa ng gobyerno? Epekto ba ito ng global warming? 

 

Source: Philippine Air Force
Source: Philippine Air Force

 

 

Ewan. Di ko pa masasagot ng isang scientific and well-researched answer kung bakit Manila ang worst-hit ng bagyong Ondoy. Pero hindi lang baha ang nagawang salanta ng Ondoy. Pati cyberspace puno ng maiinit na salita at palitan ng kurkuro dahil sa epekto ng bagyong ito at sa pagiging insensitive ng ibang mga tao. Saka na ako mag-bblog tungkol dito. Magbabasa muna ako ng posts nila. Mag-fafarmville. At matutulog.😀

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

9 thoughts on “bagyo. baha. first time?”

  1. “ako” ay naging empleyado sa DPS ng Maynila, mula 1968-1975, at Metro Manila Commission (MMC), Metro Manila Development Authority, 1975-1988 (MMDA) ngayon. Tungkol sa problema ng kalinisan, ito maibabahagi ko rito.
    Tinutupad ng Metrro Manila Commission ag tungkulin nito sa programa ng kalinisan:
    !) May 20,000 ang tagalinis ng basura.sa lansngan araw-araw
    2) May 3,500 ang trucks na hahakot ng basurang naiipon araw-araw
    3) May 800 ang tagalinis ng ilog at mga estero.
    4) May 1,800 mahigit barangay at DOH pang laging may paalala sa pagpapanatili ng wastong kalinisan, sa kabila ng lahat ng mga pagsisikap, maruming-marumi pa rin ang kapaligiran. Ito ang dahilan:
    Habang nagwawalis ang taga wlis ng kalat sa lansangan, may nagkakalat sa kanyang likuran.
    Habang hinahakot ng truck ng basura ng buong magdamag at maghapon, patuloy pa rin isinasaboy ang basurang mula kung saan, may dumi pa ng taong kasama.
    Kahit araw-araw na linisin ang mga ilog at estero, barado pa rin. Kahit walang tigil ang barangay at DOH ng paalala, wala pa ring mangyari,
    Ang bayang ayaw sa maruming kapaligiran, ay sila rin ang kadahilanan ng kanilang inaayawan.
    Sana maunawaan ng bayan, lahat ng mamamayan ay may tungkulin at pananagutan sa mga bagay na ibig nating maganap sa ating kapaligiran.
    MARAMING SALAMAT,,,,,,,,,,,

    Like

  2. For the more malicious minded, you might think about the (untimely) release of water–and calamity funds as timely related to the 2010 elections.

    Tragic, considering the loss–and the continuous loss of life.

    Like

  3. ‘ blaming game must come for we should all learn our lessons. yesterday though i was mad as hell for the slow and tentative response of the government. i mean, people were hanging to dear life. anyways, let’s just do our parts in helping the victims, =)

    Like

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s