Levels of Friendship

 

lonerMinsan iniisip ko meron akong sariling mundo at loner ako na maituturing. Minsan iniisip ko wala talagang mga tao na matatawang ko na aking kaibigan. Marami ang alam kong tututol. Sasabihin nila na isa akong friendly at outgoing na tao. Tama din naman sila. Noong estudyante ako, ako yung tipong campus leader na marunong makihalubilo sa lahat ng tao sa eskwelahan – mapa-estudyante, guro o personnel man yan. Kaya sino ang mag-aakala o maniniwala na loner ako. Pero sadyang ganun nga tingin ko sa sarili ko. Napansin ko ito ng mas nagustuhan ko ang day shift sa aking trabaho kung saan konti lang ang tao. Parang pag-mamay-ari ko ang buong kumpanya. Walang masyadong tao. Pwedeng pwede ako kumain na ako lang mag-isa sa buong pantry. Possibleng-possible na pag ako nag-break, wala ng ibang tao akong makikita kundi ang mga guard at janitors. Mapag-isa nga ata akong tao. Loner nga ata ako.

 

 

Pero kung iisipin ko din naman, madami akong naging kaibigan. Sa bawat punto at aspeto ng buhay ko, sa bawat lugar na napuntahan ko o social network na napabilangan, masasabi ko na nagkaroon ako ng mga close na kaibigan. Kaya nga madami ang mga ka-Friendster at Facebook ko. At marami sa kanila galing sa iba’t-ibang lugar. At kahit totoo nga na kapag umalis ako sa isang lugar at hindi ko na nakita araw-araw ang kaibigan na to ay nawawalan na kami ng komunikasyon at hindi na nagiging close, alam ko pa rin na may kaibigan akong matuturing sa tao na yun. Alam ko rin na kapag dumating sa punto na kailangan nya ako o kailangan ko sya, pwede pa rin namin takbuhan ang isa’t isa.

 

 

Sabi ng isa kong kaibigan, may iba’t ibang level daw ng pakikipagturing sa kapwa tao. Sa aking pananaw, iba’t ibang level na rin ito ng pagkakaibigan. Ayun sa kanya na isang Psych major, ayun daw sa dalawang Pinoy na Psych – sina Enriquez at Santiago (kung sino man sila) – may 8 antas ng pakikipagkapwa-tao. Mapapansin daw sa kulturang Pinoy ang mga antas na ito. Halimbawa na lamang ang iyong bestfriend ay maaaring pumasok ng bahay mo at dumiretso sa ref at makikain samantalang ang mga ibang tao ay sa sala mo papaupuin muna bago pagsilbihan ng masarap na merienda.

 

Parang ganun din daw sa pakikipagkapwa tao. Eto ang eksaktong pi-nost ng kaibigan ko.

****

8 Antas ng Pakikipagkapwa

  1. pakikitungo – simula ng relasyon, common courtesy
  2. pakikisalamuha – mas madalas na interaksyon, hindi kailangang kakilala
  3. pakikilahok – may mga gawaing parehong kinasasangkutan
  4. pakikibagay- may effort na mag adjust sa taong kinikilala
  5. pakikisama – mas may effort to adjust, may anxiety na maaaring ‘di magustuhan ng iba yung gusto mo kaya may tendency na sumabay sa agos
    1. – – – – at this point nagiging di-ibang tao na ang ibang tao – – – – –
    2. pakikipagpalagayang-loob – mataas ang level of acceptance at trust, mababa ang anxiety over the relationship, mataas ang level of disclosure, mayroong give and take, nararamdaman ang dinadama ng iba
    3. pakikisangkot – mas malalim na samahan
    4. pakikiisa – ideal at bihirang marating, iisa na ang self at other (ginagamit na symbol dito ang pag-iisang dibdib ng lalake at babae sa pag-aasawa)

*****

 

Ang mga nabanggit daw sa taas ay hindi mga kondisyun kundi mga prossesso na pwedeng pagdaanan sa iba’t ibang panahon. Crucial sa pag-move on sa susunod na prosseso ay ang pagbubukas ng puso sa isang tao. Depende na daw sa tao kung gusto nya i-break down ang walls ng puso upang makapasok ang ibang tao.

 

 

UPCYM friends
UPCYM friends

 

Syempre kapag nagbukas na ng puso ang isang tao hindi na sila nagiging ibang tao. Pwede mo na silang lambingin, biruin at syempre pwedeka narin makaranas ng pagtatampo sa kanila. Kung hindi mo ka-close ang isang tao, hindi mo bubuksan ang loob mo sa kanya. Kung hindi mo rin bubuksan ang loob mo, hindi ka rin makakaranas ng pagsama ng loob. Pero sa kahit anong relationship o pakikitungo sa kapwa tao, kaakibat na ng biruan at lambingan ang pagtatampo o pagsama ng loob. Ganon talaga. May risk factor.  Masakit pero masaya rin.

 

 

Ganun lang talaga ang buhay. At pagkakaibigan. At pakikipagkapwa-tao.

 

 

some of my friends
some of my friends

Bakit ko naisipan isulat to? Naisip ko lang na mapalad ako na magkaroon ng mga kaibigan na handang makinig sa mga sama ng loob ko at magpayo. Ganun pa man mapalad din ako na magkaroon ng mga kaibigan na nagtitiwala sakin upang pagsabihan ako ng sama ng kanilang loob at makinig sa aking payo. Siguro ganun nga talaga ang pakikipagrelasyon sa ibang tao. May mga tao o kaibigan ka na sila ang palaging magpapayo sayo. Para silang mga nakakatandang ate at kuya. Meron ka rin namang mga kaibigan na bibigyan mo ng payo. Para naman silang mga nakababatang kapatid. Pero hindi yan konektado sa edad dahil maaaring mas bata ang nagpapayo sayo at mas matanda ang pinapayuhan mo. Ang punto ko lang ay sa kahit anong relationship palaging may give and take.

 

 

At ang pinakapunto lang ng blog entry na to ay: nagpapasalamat ako na kahit inaakala ko na loner ako, madami din pala akong maituturing na kaibigan. 

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

3 thoughts on “Levels of Friendship”

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s