election na naman

Sino nga ba ang trapo? Sino nga ba si Mar Roxas?

 

Mar Roxas
Mar Roxas

 

 

Malapit na na naman ang eleksyon. Sa darating na May 2010, iboboto natin ang ika-15 Pangulo ng Bansa. Makasaysayan ito para sakin. Unang pagkakataon kong boboto ng pangulo. Noon pa man pinaghandaan ko na to. Sino nga ba ang gusto ko na maging lider ng bansa. Hindi man ako ganon ka updated sa news or maalam sa batas sa bansa, malaki ang pagmamalasakit ko sa mga sakit na pumipeligro dito. Madalas ko ngang sabihin sa mga kaibigan ko na gusto ko maging presidente, hindi lang ng student body o org, kundi ng bansa at eto ang plataporma ko: blah blah blah.

Pero seryoso, meron talaga akong sariling plataporma kung pano ko masosolusyunan ang mga problema ng bansa.

Kaya naman sa unang pagboto ko, gusto ko na tamang tao ang ihahalal ko sa posisyon. Ang tao na alam ko maraming magagawa para sa bansa – kung hindi man malutas ang lahat ng problema, at least, masimulan silang ayusin. Kahit na madami nagsasabi na impossible ang sitwasyon sa Pilipinas, na hindi na ever maaayos pa ang corruption or pollution or krimen or kahirapan, naniniwala pa rin ako na maaayos sila. Idealistic, oo. Pero para sakin mas mabuti na yun kaysa manatiling pessimist. Pag dumating ako sa punto na naisip ko na wala ng pag-asa ang bansa, baka lumayas na rin ako dito.

 

Election 2010
Election 2010

 

Sa pagtingin ko sa mga kandidato, si Mar Roxas ang  napusuan ko. Ibig sabihin, sya ang nakita ko na pinaka-decente sa kanilang lahat. Pero yan ay bago nagsimula ang mga ad campaigns nya. Nagsimula ang paghanga ko sa senador nung minsan umattend ako ng launching ng 50th anniversary ng foundation na tinayo ng tatay nya at kung saan ako ay myembro. Noon akala ko pakana lang ng foundation ang celebration at kung ano ano pang pagtitipon para lang i-boost ang candidacy ni Sen. Mar. Pero noong narinig ko sya nagsalita, at nakapapicture pa ako, nakita ko ang sinceridad sa kanya na maglingkod sa bayan.

Sa pagiging active ko din paminsan-minsan sa mga meetings ng foundation, nalaman ko rin na wala talaga kinalaman si Sen. Mar sa foundation at ang totoong hangarin ng foundation kaya kinakalap ang mga awardees nito ay para mapalago pa ang mga natutulungan ng foundation. Na-impress din ako sa mga programa ng foundation – sa wakas eto ang isang grupo na nagtuturo sa mga taong mangisda, sa halip na bigya lang sila ng isda. Gusto ko yun.

 

Mar Roxas, fellow GRF awardees and me during the launching of the GRF 50th Anniversary
Mar Roxas, fellow GRF awardees and me during the launching of the GRF 50th Anniversary

 

 

At kaakibat nito, sinimulan kong kilalalanin si Sen. Mar sa pamamagitan ng pagpunta sa mga websites sa Internet kung saan sya binanggit. Na-impress ako sa tao. Eto na ata ang pag-asa ng bansa. May maiboboto na ako sa 2010.

Subalit, nung nagsimula na maglabasan ang mga comercials ng mga pulitiko na tatakbo sa 2010, nagsimula na rin lumabas ang mga kritiko. Or rather, naging mas maingay. At handa na sana ako makipag-away sa mga kritiko, subalit ako mismo nadismaya sa mga nangyari. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung trapo din lang ba sya gaya ng dati o kung hindi man sya trapo nun una, eh naging trapo narin in the end.

Ayoko na sabihin pa dito kung ano un mga yun. Napapanood naman sa TV. Alam naman ng lahat. Madami namang ibang blogs na nagsulat na tungkol dun.

Ang akin lang naman, ganon ba talaga sa pulitika? Desente kang tao pag pasok mo, paglabas mo, kakulay mo narin silang mga nung una kinakalaban mo. Ganon na nga ata ang political system ng bansa – BULOK. Kakaining buhay kung sino man ang magtangkang bumago o tumaliwas dito. Hindi ka nga corrupt, mapipilitan ka naman. Naalala ko yung isa kong sinulat, ang pinakamahirap na congressman, nasa halos 100,000php ang worth. Biro mo. Mahirap na daw yun eh siguro isang barangay ng squatters ni hindi pa aabot sa ganon ang worth.

The Philippine political system has ceased to exist to serve the people. Come election time, they appear to be the public servants we all dream of – ready to be dirty for the sake of the poor, willing to lend any assistance asked of them, ready to serve unconditionally and without second thought. During election time, their words are like music to the ears of the ailing Filipino society – the promises of progress and a good life. But then we all can’t help but think that their words are just a resounding BS! We can’t help but be jaded in thinking that nothing will ever come out of it. Their words won’t be enough to really solve anything. Their actions speak louder and yet there are no actions to be witnessed.

 

Seat of Power
Seat of Power

 

Living Conditions of Majority of Filipinos
Living Conditions of Majority of Filipinos

 

 

 

And it’s sad that a large and vast majority of the Filipino people are still blinded by their words or their superflous actions. Only a small percentage of the society care enough to actually investigate candidates further.

Sometimes I wonder, if ever I do really make a bid for presidency, will I come out of it alive? Will I be enough to really bring solution and change to the country? Right now, I highly doubt it.

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

2 thoughts on “election na naman”

  1. Minsan nalulungkot ako para sa atin. Instead of voting for the right people, it seems like we are voting for the lesser evil. Syempre isang pribilehiyo ang pagboto bilang isang malayang mamamayan kaya tyo bumuboto pero malungkot pa rin.

    I’d probably do the same thing I did last time, vote for the people I like and draw a long, solid line across the ballot for positions I don’t have anyone in mind.

    Parang walang disenteng presidentiable next year.

    Like

    1. minsan naisip ko pano kung lahat nlng ng tao na disente sa mundo or rather sa pinas ay jaded na… sino na lang ang boboto ng tama? ang mga masa na palaging nabubulag sa campaign ads? kelan pa tayo magkakaroon ng disenteng pangulo? makakabangon pa nga ba ang bansa?

      Like

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s