Chapter 3

Sabi ni Bob Ong, sino daw ang misteryoso: ang tao na hindi mo alam ang pangalan pero alam mo ang takbo ng isip at talambuhay o ang tao na alam mo ang pangalan, edad, trabaho pero bukod dun eh wala ng iba pa?

I’m afraid I belong to the first category. Sabi nga ng kaibigan ko abnormal daw ako dahil ang taas ng self-disclosure ko. Kapag binasa mo ang blogs ko makikita mo dun ang hinagpis ko sa love life, sa trabaho, sa pamilya, sa pag-aaral at sa kung ano-ano pa. kasabay  nito ang mga opinyon ko sa bagay-bagay na nangyayari sa bansa at sa mundo.

Madami sa kanila ang nagugulat na kaya ko ipagsabi sa buong mundo ang buong kwento at detalye ng buhay ko. Pero siguro kasi kilala nila ako. Maliban sa picture ko na makatotohanan (na papalitan ko na), wala ng iba pang inpormasyon sa blogs ko na makapagsasabi na ako nga ang may akda ng mga yan, na ako nga si A.A.C.G. kilala lang ako bilang elleica. Yun na yun. Wala nga sa blog ko ang phone number ko o edad ko o totoong pangalan ko. Ni pangalan ng kompanya ko wala. Hindi ko rin pinapangalan ang mga tao na nakkwento ko.

So hindi ba misteryoso ako? For all my self-disclosure, am I not mysterious enough? Yes you know my life, but then do you know who I really am – details and all. Kaya nga ang tanong, sino ba ang taong mas nakakakilala sa yo? Ang mga katrabaho mo na alam lang ay ang iyong buong pangalan, address at phone number o ang masugid na taga-basa ng blog ko na alam ang pangyayari sa buhay mo at wala ng iba pa? sino ang totoong may kilala sayo?

Kaya siguro mainam na ibalik ko na lang sa pagiging anonymous, kunwari, ang blog ko. Ibalik ang picture nun anime character sa halip na totoong mukha ko. Iwasan ang links sa blog papunta sa personal social networking sites ko. Siguro iwasan na rin ang links galing sa social networking sites ko patungo sa blog (siguro lang to kasi nakakatulong pa rin sa wide readership ng blog ang links galing facebook, friendster, multiply, plurk at kung ano ano pa).

Nakakaaliw ang internet. Pwede kang makilala na hindi. Pwede kang maging ibang tao na hindi rin. Pwede ka magpanggap. Pwede ka  magpakatotoo sa sarili mo. Oo, nakakaaliw nga ang internet. Wag lang sosobra ang gamit. Magkaka DSL na kami sa mga susunod na araw. Mas madali na ang access sa internet.

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

2 thoughts on “Chapter 3”

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s