Ano nga ba ang sagot sa problema ng Pilipinas?

Ito ay isang tanong na matagal ko ng pinag-iisipan sa aking sarili. Isa akong Pilipino at proud ako sa kung ano ako. Sabihin man nating nakakahiya ang ating bansa at lugmok ito sa kahirapan, mahal ko pa rin ang Pilipinas at ni minsan hindi ko ninais na maging residente ng iba pang bansa.

Sa aking paglaki unti unti kong nakita ang problema ng mahal kong Pilipinas. Ang pollusyon na sumisira sa araw ko – bakit nga ba ang kalat kalat ng mga kalye? Ang kahirapan na sa bawat sulok ay nariyan – bakit nga ba an dami daming bata ang sa halip na nasa eskwelahan ay nasa kalsada? Ang kawalan ng trabaho ng marami – bakit an daming tambay, snatcher at magnanakaw? At madami pang iba. Subalit sa halip na manatili silang mga problema sa aking murang isipan – nakita ko sila bilang mga bagay na dapat solusyunan. At yun ang tinuunan ko ng pansin – ang mga possibleng solusyon sa mga problemang ito.

Lumaki ako kumbinsido na kaya kong tumakbong presidente ng ating bansa. Lumaki ako na hinahangad ang posisyong iyon dahil sa kagustuhan na maisakatuparan ang mga solusyong aking naisip.

Habang tumatanda, mas marami pa akong problemang nakita. Ang kawalan ng hustisya – bakit madaming may sala ang di nabibilanggo at mga inosente na napipiit sa kulungan? Ang korupsyon sa gobyerno – bakit may mga sinungaling at sakim na tao ang naluluklok sa pwesto? Ang kadayaan sa mga eleksyon – bakit may nandadaya at nagpapadaya? Ang kawalang disiplina ng mga Pinoy – bakit may tumatawid sa ilalim ng overpass o pumaparada sa harap ng NO PARKING sign? At marami pang iba.

Parang hindi maubos ubos ang problema ng ating bansa. At sa mura ko pa ring edad noon, nawalan na ko ng pag-asa na may magbabago pa. Nanghina na ang aking loob na may magagawa pa ako. Pano ako makikipaglaban sa mga pating sa gobyerno? Lalamunin lang nila ako ng buhay. How can an honest public servant stand against such greedy monsters?

Nagbago na ako ng pangarap. Siguro sa maliit ko na lang na paraan tutulungan ang aking bansa. Yun naman ang sabi ng lahat eh. Kung gusto mong baguhin ang mundo, magsimula ka sa sarili, sa sarili mong tahanan at sa mga kinabibilangan mong sector. Kung lahat nga lang daw magbabago sa sarili o gagawa ng pagbabago sa maliit nyang paraan ay magbabago din ang mundo.

Yan ang sabi nila. At yan ang pinaniwalaan ko.

Subalit laking gulat ko ng isang araw tinamaan ako ng isang realisasyon. Parang may kung anong natutulog sa loob ng aking puso na biglang nabuhay at nagsusumigaw na aking pakinggan. At doon ko napagtanto na ang aking childhood dream ay hindi lang pala isang childhood dream na papayag kalimutan at maisantabi. Ito pala ang pangarap, ang tadhana, na sinisigaw ng aking puso – ang maging isang tagapaglingkod ng bayan kong minamahal. Public service.

At dito nagsimula ang aking pagiging seryoso sa aking hangarin na ito. Sabi nila, habang may hangarin hindi pa huli ang lahat para abutin ang pangarap; para harapin ang nakatadhana. At nang matanggap ko sa aking sarili na ito nga ang gusto kong gawin sa aking buhay – ang maging isang public servant – kahit na sobrang dumi pa ng pulitika, ay handa akong pasukin sya. Handa akong matutunan lahat ng dapat matutunan tungkol sa paglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng bansa. Handa akong isang tabi ang aking sarili upang makita ang ating bansa na makabangon sa matagal ng pagkakadapa nito.

Alam kong madami akong kakaharaping pagsubok – mga pagsubok na susukatin ang tatag ng aking pagkatao, mga pagsubok na magdadala ng sama ng loob, mga pagsubok na magpapahirap sa aking buhay. Alam ko na kung nanaisin kong maging public servant hindi magiging mapayapa ang aking buhay – lalo na at ang aking hangarin ay maging isang tapat na public servant.

Kakainin ako ng buhay ng aking mga kalaban – alam ko yun. Pero hindi ako susuko. Hindi man ako maalam sa pulitika sa bansa ngayon, wala man akong alam pano haharapin ang sandamak mak na isyu na kinakaharap ng ating bansa – hindi pa rin ako magpapatalo.

Ako ay mag-mamasid; mag-aaral; makikialam.

May dalawampung taon pa bago ako sumapit sa gulang ng pwede na akong tumakbo bilang presidente; labinlimang taon bago ako pwedeng tumakbo bilang senador. At sa loob ng mga panahong iyon – ihahanda ko na ang aking sarili.

*********
Disclaimer: This is a long delayed blog. Opinions/circumstances may have long since changed.

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

4 thoughts on “Ano nga ba ang sagot sa problema ng Pilipinas?”

  1. Ang problema ng pilipinas ay sapin sapin na ito ay sa dahilan na sa umpisa pa lang ay nagtayo tayo ng gobyerno kung saan binigay natin ang kapangyarihan sa kamay ng iilan , sila ang tinatawag na naghaharing uri o ruling class…matapos nito nagamit ang posisyon ng pangulo at wala talagang tao na naupo na wala kahit kaunting interes na umaangat at magpayaman dahil dito nasamantala ito ng iilang mga tao na hindi dito sa ating bansa kungdi sa buong mundo isa itong “global scheme” ika nga kung saan bilang mahirap na bansa tayo ay naipautang sa atin ang isang malaking halaga para sa mga proyekto kung saan may sabwatan na naganap sa taas na inde ito kayang bayaran kahit ano pa ang gawin ng mga tao sa ilalim ,sila ay binubuwisan ng doble sa kanilang perang pinagpaguran at nagiging biktima pa ng tinatawag na infaltion , dahil sa pagiging puppet ng sinumang tao na uupo at patong patong na problema na wala sa pangulo o sa gobyerno ang solusyon sa mga problemang ito…tayo ay baon na sa pagkakautang sa world bank at IMF…patuloy ito ng patuloy magkaron man ng rebolusyon inde na kailanman mababago ang nakagisnang problema , tulad lang yan ng pagtambak ng basura at pagdumi ng ilog…kung ilang taon na walang naglilinis ng kalat at patong patong na problema meron tayo sa basura at baha at pagdumi ng ilog at ang mga bagay na nabanggit ay nagpapatuloy ang epekto nito ay irreversible o hindi na maibabalik pang muli, we are living in a fallen world at ito ay nasa bibliya din padumi ng padumi pasama ng pasama at inde na ito mababago sa buhay nating ito at sa sususnod na henerasyon ito ay isang cycle na at inde n tayo makakaalis sa isang cycle o sistema pagkat ito lang din ang aasahan nating sagot panandalian sa mga problemang kinakaharap pero hindi ito kailanman magiging sagot sa isang malawak at pangkabuuang problema, sa madaling salita the best of humanity failed…

    Like

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s