para sa aking pinakamamahal…sana sagutin mo ako sa pamamagitan ng sulat din

mahal kita at alam kong alam mo yan

wala na akong ibang mamahalin pa ng ganito kundi ikaw lamang

kahit saan ako lumingon nakikita ko ang mga patotoo kung gaano kalawak ang iyong pag-ibig

saan ba ako pupunta para matakasan ang iyong pag-ibig? …. wala..wala akong mapupuntahan

subalit sadya mo akong sinasaktan

ako’y nasasaktan sa mga nangyayari..

mahal mo ako hindi ba..

may mga bagay nga talaga na tanging ikaw lng ang nakaka alam

na hihintayin ko pa ang takdang oras para malaman ko ang sagot sa aking tanong: bakit

bakit ganito?

at sa ngayon..tanging pag-ibig mo nlng ang bubuhay sa kin

magpapalakas ng aking loob na kayanin

ang mga bagay na di ko matanggap

mga katanungan na di ko masagot

mga sitwasyon na kahit naiisin ko hindi ko ma-control

alam ko andyan ka

naririning mo ko

ako ang tinitibok ng iyong puso

sana lng sagutin mo na ako

ang naguguluhan kong puso..isipan

mahal pa rin kita

di na yan magbabago

kahit ano pang unos ang dumating sa buhay ko

pag-ibig ko sa yo di na maglalaho

sapagkat sa akin sapat ng patotoo ng iyong pag-ibig

ng iaalay mo ang iyong buhay

ako’y makapiling lamang

Author: elleica

Jesus Lover. Writer. Blogger. Biologist turned marketer. Child of Learning. Thrill Seeker. I long for my next adventure.

1 thought on “para sa aking pinakamamahal…sana sagutin mo ako sa pamamagitan ng sulat din”

Tell me what you think. Leave a comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s